Tuesday, January 18, 2011

“MGA MAPAGSAMANTALANG INPEKTOR NG MERALCO”

CONSUMER STATEMENT “MGA MAPAGSAMANTALANG INPEKTOR NG MERALCO”

Ako si Aida Bebero asawa ni Johnny Bebero na naka pangalan sa billing ng meralco, nais ko pong ipaalam sa inyo ang nangyari sa amin noong March 18, 2010 ng tanghali.
May dumating sa aming bahay na mga tauhan daw ng meralco, nakita ko tinatanggal nila ang meterbase naming kaya lumabas ako at nagtanong sa nagtatanggal ng metro naming kung ililipat na nila ang aming metro tulad ng kalapit naming baranggay na nasa itaas ng poste ang mga metro ngunit sumagot sya ng "hindi", pumasok na ako sa loob ng bahay namin sa kuwarto. Maya-maya tinawag ako ng asawa ko na parang hinihingal sa galit may karamdaman kasi ang asawa ko, kayat ang sabi nya ako na lang ang makipagusap sa taong yun na kasunod niyang pumasok sa bahay namin hindi ko alam kung bakit nagagalit ang asawa ko sa kanila. Pagkatapos lumabas na ng bahay ang asawa ko, ang sabi ng taong tagameralco daw kung puwede makaupo kaya pinayagan tumuloy at habang nakaupo may inidrawing siya sa papel na hawak niya tapos ay nagtanong siya sa akin kung may nagging problema daw ba sa aming kuryente ang sagot ko naman ay "wala naman". Sinabi niya na may nakareport daw dati na ang metro naming ay tampered kaya naman naalala ko na may bigla dumating noon sa amin na tauhan ng meralco at nagsabi na tampered daw ang metro namin, kaya naman sinabi naming mag-asawa paano matatampered yan “eh kayo lang naman ang gumagalaw ng metro”. Kaya ang sagot nila “hindi bali po papalitan na lang namin" kayat marahil ung naalala ko na may report na tampered daw galing saming metro. Pagkatapos niyang magdrawing ay umalis na siya pero mga ilang minutu ang lumipas ay bumalik siya at may pinapipirma sa akin sa papel na may drawing niya na hindi ko naman maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng drawing niya dahil wala naman siyang sinasabi kung anu ang kahulugan ng iginuhit nyang yon. Nang tanungin ko ang siya kung bakit kung kaylangan pirmahan ang sagot niya “wala namang problema yan para lang sa pagiinspeksyon” kaya pinirmahan ko at habang ako ay pumipirma nagulat ako dahil walang sabi sabi "bigla na lang nagpicture ng ako’y pumirma", ang papel na yon ay walang ibang nakasulat kundi ang drawing lang. matapos nun ay lumabas na siya at mga ilang sandali ay bumalik na naman , "gusto daw niyang Makita ang kuwarto namin" kaya naman kahit ako ay nagtataka ay pumayag ako, ngunit nagulat ako ulit dahil lahat ng gamit namin ay kanyang pinikturan hanggang sa kuwarto ng mga anak ko. Pagkatapos ay muli siyang umalis, akala ko ay tuluyan umalis na ng mahigit kalahating oras ang lumipas, ng bigla may nag abot sa amin na tao mula kapitbahay namin ng papel mula meralco na nag-inspiksyon, hindi na sila mismo ang nagabot nito ng personal at ipinabot ng lng sa ibang tao, ng buksan ko ito aba! Ito ang papel na pinirmahan ko, maraming ng mga nakasulat na kung anu-ano at “laking gulat ko ng may malaking halaga na dapat naming bayaran Php476,008.80 sa loob ng sampung araw”. Saka ko lng napagisip-isip na ang pagpapatuloy ko at pagbibigay ng kooperasyon sa kanila na taga meralco ay gagamitin lang pala para ako ay akusahan nila sa pagamit ng illegal, inabuso nila ang pagkawalang alam ko at maliban dito ay may kinuha rin silang gamit sa loob ng bahay ng walang pagsang ayon ko. Sobra-sobra ang pang-aabuso nila sa karapatan ko bilang consumer.

Metering Facilities Inpection Report

Photobucket

Photobucket

statement 2

connected loads daw namin sa loob ng bahay after na picturan ng taga meralco ..3-wall fan 16",4 unit ng tv, 4 unit na fan 16", 3 unit ng iron daw,3 stereo compo 4500w pmpo, 1 ref 6cu.ft ung filing cabinet ata ung nakita nila actualy puro mga gamit ng tatay ko yun low end ata camera nila hindi makarecognize ng appliances, 1 E-kettle 1200/1-H20 heater ata 800w di ko alam kung anu un, 2 unit ng washing machine wala sa loob ng bahay sa kapitbahay meron kaso sira,3 RC 1.8/4l/ 3-40wfl,1-20wfl,3- dvd player/ 1 ceiling fan 5 blades oo meron naman galing kalakal din ng tatay ko kaso cguradong kapag kinabit sa bahay namin e2 pugot ang ulo o kamay mo,dahil mababa lng ang ceiling namin, 1 soldering iron, at kng anu anu pa na hindi ko maintindihan dahil agaran silang umalis at ipinaabot na lamang sa tambay na kapitbahay namin.

"ang mga gamit na tinutukoy ay hindi lahat nakabilang sa bahay namin at walang tamang bilang,kapasidad o anumang impormasyon tumotukoy dito"

Photobucket

witness na si PO2 Noel B. Logang-A na tila wala sa iksena sa inspeksyon

tanong ko pala authorize ba sila na pumasok sa bahay at magpicture o magcompiscate ng anumang gamit, sa tingin nyo kaya papayag kayo na pumirma ng violation na nagkakahalaga kalahating milyon ang multa ng walang anumang katotohanan, mali ba na mapagmatuloy sa tulad nila na taga meralco at resputuhin sila at ikaw naman gantihan ng akusasyon na hindi mo ginawa, malaking pagkakamali ng magulang ko na galangin sila at patuluyin sa bahay, magaling silang manghuli ng nagtatampered na consumer ang problema magaling din magtampered ng akusasyon sa consumer..

follow up complain sa ERC

Photobucket

March 29, 2010


Atty. Crispin C. Carlo
Consumer Service
Energy Regulatory Commission
San Miguel Avenue, Ortigas Center.,
Pasig City


Greetings!


We would like to complain the SQUAD no. 4117 of Meralco South Metering Security who made a surprised inspection last March 18, 2010 for giving an unjustified document claiming that we have irregularities in our home.

We want to see the necessary evidence as well as the pictures they have taken during inspection and justify to us what they were written in MFIR. (Including some connected loads that we don’t have and the 2 line jumper) but they refuse to names the S – 4117 in Malate Branch Office.

In addition, they did not present valid documents that proves that this illegal connection happened since 2006 and a computation of P 476,008.80 in which they are forcing us to pay within (10) ten days otherwise, we will be disconnected. Without clarification in our concern, we won’t allow them to disconnect our service. As a consumer we have our rights to see the BLACK & WHITE, everything must be DOCUMENTED and WITH BASIS. Herewith is the statement of my mother (Mrs. Aida Bevero) during the inspection and the papers they issued. Please guide us on how we can deal with this problem.

Kindly contact us at ???? for our coordination.


Aiza B. Bevero
( In behalf of Johnny P. Bevero)
Meralco Consumer


walang nangyari pagpapasa-pasahan ka lng nila...

statement 3

after ng pabalik-balik na follow up complain sa kanila sa malate office hindi na kami naka receive ng biling ng July 27 to December 2010 at patuloy na kaming nakakatanggap ng discconnection notice, at pagsapit ng 3rd week ng december 2010 ay mayroon na billing na dumating na nagkakahalaga ng php11,514.30 dahil sa konsumo ng apat na buwan na walang biling na dumating at agaran ko itong binayaran at ng dumating ang january 17, 2011 kanilang kinuha ang kuntador ng walang abiso.

Photobucket

Photobucket

wala na kaming anumang nagawa...gaya ng minsan nagfolow-up kami sa complain sa meralco malate branch sabi nila "SA MERALCO LALABAN KAU"

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

mahilig mangalakal ang tatay ko at magkumpuni ng kung anu anu libangan nya ito dahil may edad na sya, sa sama ng loob niya ibinenta nya uli sa mga taong nangangalakal.

Photobucket

marahil ito ang tinutukoy nila na washing machine sa kapitbahay namin

Photobucket

kahit saan pong sulok ng bahay namin ay imposible na iinstall ang 5 blade na ceiling fan.

Photobucket


“It is the lip of truth that will be firmly established forever, but the tongue of falsehood will be only as long as a moment,”Proverbs 12:19

"Give everyone what you owe him: If you owe taxes, pay taxes; if revenue, then revenue; if respect, then respect; if honor, then honor."
—Romans 13:7

No comments:

Post a Comment